Select Page

Munting Dalangin

Munting Dalangin

By: Niña Amato

Ako’y patuloy na magsusulat ng tula
Na palaging ikaw ang paksa
Kahit na kamay ko’y mapagod
Ay ‘di titigil sa pagsusulat kahit walang sahod

 

Hindi man ako ganun kabihasa
Ngunit nararamdaman ko’y aking itatala
Sapagkat pusong puno ng saya
Ay ikaw ang s’yang tunay na ligaya.
Mga ngiti mong parang rosa
Ay iingatan ko na parang prinsesa

 

Ika’y tunay na mahalaga
Sa aking damdami’y nagpapasaya
‘yong mga ngiti’y mo’y parang tsokolate
At mga halik mo’y kasing init ng kape.

 

Sa aking damdamin, ikaw ang bida
Na sa umaga ay nagbibigay sigla
Ikaw ang bituin sa gabi na nasa aking tabi.
At mga bulong mo’y parang ibong humuhuni.

 

Sa akin sana’y manatili,
At sa kahit anong pighati
Nais ko’y ikaw ang kakampi
Sa pagbuo ng dalangin kong munti,

 

Ang ibigin ka hangang sa huli.

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *