Select Page

Mula Nang Ika’y Masilayan

Mula Nang Ika’y Masilayan

by: Niña Amato

Noong ika’y masilayan,
Isip kong naguguluhan
Ay nakatagpo ng kasagutan
Buhay kong puno ng lumbay
Ay unti-unting nagka kulay.

 

Mga araw na puro pighati,
Ay napapalitan ng ngiti.
Mga matang luhaan
Ay nabahiran na nang kasiyahan.

 

Mga ngiti mo saki’y nagdadala nang saya
Saya na minsan lang maranasan ng pusong sa akin ay gaya.
Napapagod man sa araw-araw, ngunit pag ika’y kasama
Pagod at tamlay ay unti-unting nawawala.

 

Pag-aalaga mo’y parang gamot
Sa buhay na puno ng gusot at salot
Ligayang iyong dala,
Sa ‘king pandinig ay parang musika
Sa ‘king pandama’y parang bitamina
Na palaging nagbibigay ng sigla.

 

Dito sa puso ko, ikaw lang ang mahal,
Hulog nang Maykapal,
Na sa ‘kin ay binigay upang lumbay ay wakasan,
At damdami’y bigyan ng tunay na kaligayahan.

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *