Select Page

Guro Ko, Hangaan at Tularan N’yo

Guro Ko, Hangaan at Tularan N’yo

by Niña Amato

Aking butihing guro

Hangad mo’y makapagturo

At makapagbigay inspirasyon

Sa mga kabataang gustong makamit ang sapat na edukasyon

Edukasyon para sa pagdating ng panahon

Pamilya at sarili’y maiahon

Sa sigalot at kirot ng kahapon

Na siyang inaasahang maitapon

Oras mo’y iyong ibinibigay

Para kabataa’y bigyang gabay

Kaalaman mong taglay ay iyong iniaalay

Upang kabataa’y magtagumpay

Mga araw mo’y laging abala sa pagbibigay sigla

Sa mga kabataang nawawalan ng tiwala

Sa mga taong malakas manghusga

Dito sa mundong madaya

Lakas mo’y iyong ibinabahagi

Sa mga batang taglay ay pighati

Mga labi nila’y binibigyan mo ng ngiti

Mga ngiting sayo’y nagbibigay ng kiliti

Kiliting nagbibigay sigla upang ika’y manatili

Sa posisyong ang karamihay pumipili

Ang pagtuturo sa kabataay tunay na ligaya

Sa mga gurong tulad mo, siyang nagpapasaya

Nang mga mata mo’y tingnan

Nakita ko’y iyong pinapahalagahan

Bokasyon ng pagtuturo

Na sa puso mo ay siyang tunay na bugso

Sa mga mata ko ika’y ‘di maiiwasang tingnan

At sa puso ko ika’y tuluyang hinahangaan

Sa taglay mong katangian at kagalingan

Aba! Tunay nga na ika’y dapat tularan!

 

About The Author

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *